Martes, Pebrero 21, 2012

Mga Batang May Pangarap





Maraming mga bata sa ating bansa ngayon na palaboy-laboy nalang sa langsangan dahil umano’y sa hirap na pinag-daan ng mga bawat batang pilipno sa ating bansa. Mga batang nagtratrabaho kahit sa murang edad, mga batang natotong magnakaw dahil sa hirap ng buhay, mga batang kayang gawin ang lahat para lang mabuhay sa isang mapariwalang at magulong bansa. May mga batang kalye akong nakilala, sa murang edad nila sino-subukin ang kanilang lakas o kakayahan para lang magkapera at may pambili ng pagkain sa araw-araw. Hindi ko rin inaakala na sino-subukan rin nila ang kanilang puso para magmahal ng isang tao. Isang taong marunong mag-intindi sa kanilang sitwasyon bilang isang mga batang kalye. Dahil halos sa kanilang lahat ay hindi nakaramdam ng pagmamahal ng isang tunay na magulang. May mga batang pinapahiran ng alak ang kanilang poblema, mga alak na sana’y pang-matanda lang. Dahil umano’y ang alak ay nakakatulong na pahirin ang kanilang poblema sa buhay, dapat ang mga batang ito ay naglalaro at sinasamantala ang kanilang pagkabata sa buhay. May nakikita ako sa telebisyon na may mga batang pinapatay, pinapalo at sinaksak dahil sa riot na  ang may sangkot ay ang mga bata, katulad na lamang ng batang nakilala ko sa hospital, batang ooperahan dahil sa saksak. Dapat bigyan ng atensyon at operahin ang tiyan niya dahil sugat pero hindi agad binigyan ng atensyon dahil sa walang pera. Buhay talaga!! Dapat bigyan ng pansin ang mga musmos na bata sa ating lipunan dahil ako’y naniniwala sa kasabihan ni Dr. Jose Rizal na “ang mga bata o kabataan ang siyang pag-asa ng bayan” pero sa panahong ito!! walang paki-alam ang mga taong binoto ng mga mamamayang pilipino bilang isang tunay na lider sa ating demokrasyang bansa. Pero, saan na sila? Hindi lang dyan, maraming mga bata ngayon na nagpaplano ng napakasal sa harap ng panginoon, sa loob ng simbahan at lalong-lalo na sa mga taong nanonood at kakilala ng bagong kasal. Nakikita ko sa ating paligid na nagpakasal ang mga bata sa harap ni Rev. Fr. Rey Anthony A. Sapid, SDB para humingi nga basbas sa kanilang pag-iibigan.



ORGANIC FOOD
Gusto niyo ba ng healthy lifestyle sa buhay mo? Lumalaganap na ang mga gulay sa ating kapaligiran, mga gulay na ginagamitan ng mga pestisidyo na makakasama sa kalusugan ng tao lalong-lalo na rin sa ating kapaligiran. Sa kapanahonan pa ng ating mga ninuno, masyadong mataas ang kanilang buhay at magaganda pa ang kanilang pangangatawan dahil sa mg organikong produkto na kinakain nila. Hindi kagaya ngayon na wala na atang paki-alam ang mga tao kung ano-ano ang kanilang makakain sa araw-araw. Halos lahat ng produkto sa Pilipinas ay ginagamitan ng mga pestisedyo o mga Genetically Modified Organism na ang ginagamit sa pagsasaka. Dapat tangkilin natin ang healthy lifestyle sa panahong ito.  

1. Ano ang pangalan ng iyong produkto?

Sagot:   Organic Food

2. Bakit ninyo napili na iyan ang pangalan ng iyong produkto?

Sagot:    Ang mga organic food sa ngayon ay tinatangkilik ng mga tao dahil gusto nila ng healthy lifestyle at    para makakaiwas sa mga sakit.

3. Ano ang kagandahan ng iyong produkto na wala sa iba?

Sagot:   Ang kagandahan sa aking produkto na wala sa iba ay hindi ginagamita ng mga pestisidyo at hindi makakasama sa katawan ng mga tao. Ang organic food ay walang epekto sa katawan at ito ay nakakatulog para mgakaroon ng mataas na buhay.

4. Ano ang kahinaan ng iyong produkto?

Sagot:   Ang kahinaan ng aking produkto ay masyadong maliit ang suplay ng organic food sa buong bansa at kailangan ng mahabang panahon para sa mga organic fertilizer.

5. Paano ninyo hihikayatin ang mamimili ng iyong produkto?

Sagot:  Hihikayatin ko ang aking mamimili sa pamamagitan ng sales talk at magpapakita ako ng mga picture kung paano ito ina-alagaan. At magsasabi akong ng totoo kung ano ang makukuha natin sa mga organic products.  

Lunes, Pebrero 6, 2012

Ano ang Retorika?

Sagot:

Ito ay isang komposisyon gamit ang mga karaniwang salita na minsa'y nagagamit natin ng mali. Pagpapaliwanag ng kaalaman, paniniwala at saloobin sa kinakausap o publikong kanyang kinakaharap gamit ang wika. Makapagpapahayag ng epektibo at masining sa ibat'ibang paksa sa pamamagitan ng lohikal at kritikal na pag iisip sa paraang pasalita at pasulat na diskors batay sa ibat'ibang konteksto tulad ng teknikal at literari na nagbibigay diin sa pagsasabuhay ng mga kahalagahang pantao tulad ng nasyonalismo,katapang intelektwal,liberato,kamalayan at pananagutang panlipunan.



Bakita mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao?

Sagot:

Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng isang tao dahil sa kadahilanang ang tao ay kinakailangan ang retorika upang maipahayag ang kanyang saloobin. Malalaman ng tao ang kangyang nararamdaman at higit sa lahat ginagamit ito sa pakikipagtalastasan at paghihikayat. Ang isang tao ay nagsasalita araw-araw sa pamamagitan ng retorika, malalaman ng bawat isa ang kanilang ninanais na iparating sa bayan at sa kapwa tao. Hindi namamalayan ng mga tao na sila ay gumagamit ng retorika sa araw-araw na buhay. 


Ano-ano ang kahalagahan ng retorika sa Edukasyon, Relihiyon at Kurso?

A. Edukasyon

Mahalaga ang retorik sa edukasyon dahil sa pakikipagtalastasan sa ibang tao o studyante, ito ay nagkakaroon ng kaalaman kong paano ipapahiwatig ang mga kaalaman. Sa paaralan o sa edukasyon ay hinuhubog ang ating kaalaman sa pakikipagtalastasan, maaring may matutunan tayo kung ano ang tunay na retorika sa edukasyon sa pamamagitan ng ating mga guro at kaklase. Halimbawa nalang sa sa mga interaksyon sa klase na hinihingian ka o tayo ng opinion. Sa ganyang paraan gumagamit ang mga guro ng retorika na ipinapakita o ipinapahayag na galing mismo sa mga mag-aaral. Mahalaga ang retorika sa edukasyon dahil ito ay isang instrumento o paraan upang matutunan at magkaroion ng kaalama.

B. Relihiyon

Mahalaga ang retorika sa relihiyon dahil ang retor ay ginagamit ng mga pastor, pari, madre at ng mga malalapit sa panginoon sa pamamagitan ng paglalahad ng mga balita o mga salitang galing sa panginoon. Ginagamit rin ito sa pangangaral para malaman at maintindihan ng tao ang nais na iparating  ng bibliya. Ang retor sa simbahan ay maririnig natin kung ang magbabasa ang nagsimula ng magbasa sa mga mensahe ng panginoon alang-alang sa kanyang nasasakopan.

C. Kurso

Mahalaga ang retorika sa kurso lalong-lalo na ang kursong kinuha ko dahil ang isang tunay na Community Development ay marunong makinig sa mga interaksyon ng mga tao. Ang pakiki-usap sa mga tao ay masyadong mahalaga para malaman ang tunay na kalagayan nila at para matulungan sila sa pamamagita ng catalyst o mga pamaraan para sila ay uunlad sa buhay. Bilang isang studyante ng Community Development, maaring tulungan natin ang mga tao na mapakingan ang kanilang hinaing sa gobyerno o sa iba't-ibamng sektor ng lipunan at mabigyan sila ng atensyon at serbisyong publiko.