Martes, Pebrero 21, 2012


ORGANIC FOOD
Gusto niyo ba ng healthy lifestyle sa buhay mo? Lumalaganap na ang mga gulay sa ating kapaligiran, mga gulay na ginagamitan ng mga pestisidyo na makakasama sa kalusugan ng tao lalong-lalo na rin sa ating kapaligiran. Sa kapanahonan pa ng ating mga ninuno, masyadong mataas ang kanilang buhay at magaganda pa ang kanilang pangangatawan dahil sa mg organikong produkto na kinakain nila. Hindi kagaya ngayon na wala na atang paki-alam ang mga tao kung ano-ano ang kanilang makakain sa araw-araw. Halos lahat ng produkto sa Pilipinas ay ginagamitan ng mga pestisedyo o mga Genetically Modified Organism na ang ginagamit sa pagsasaka. Dapat tangkilin natin ang healthy lifestyle sa panahong ito.  

1. Ano ang pangalan ng iyong produkto?

Sagot:   Organic Food

2. Bakit ninyo napili na iyan ang pangalan ng iyong produkto?

Sagot:    Ang mga organic food sa ngayon ay tinatangkilik ng mga tao dahil gusto nila ng healthy lifestyle at    para makakaiwas sa mga sakit.

3. Ano ang kagandahan ng iyong produkto na wala sa iba?

Sagot:   Ang kagandahan sa aking produkto na wala sa iba ay hindi ginagamita ng mga pestisidyo at hindi makakasama sa katawan ng mga tao. Ang organic food ay walang epekto sa katawan at ito ay nakakatulog para mgakaroon ng mataas na buhay.

4. Ano ang kahinaan ng iyong produkto?

Sagot:   Ang kahinaan ng aking produkto ay masyadong maliit ang suplay ng organic food sa buong bansa at kailangan ng mahabang panahon para sa mga organic fertilizer.

5. Paano ninyo hihikayatin ang mamimili ng iyong produkto?

Sagot:  Hihikayatin ko ang aking mamimili sa pamamagitan ng sales talk at magpapakita ako ng mga picture kung paano ito ina-alagaan. At magsasabi akong ng totoo kung ano ang makukuha natin sa mga organic products.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento