Martes, Pebrero 21, 2012

Mga Batang May Pangarap





Maraming mga bata sa ating bansa ngayon na palaboy-laboy nalang sa langsangan dahil umano’y sa hirap na pinag-daan ng mga bawat batang pilipno sa ating bansa. Mga batang nagtratrabaho kahit sa murang edad, mga batang natotong magnakaw dahil sa hirap ng buhay, mga batang kayang gawin ang lahat para lang mabuhay sa isang mapariwalang at magulong bansa. May mga batang kalye akong nakilala, sa murang edad nila sino-subukin ang kanilang lakas o kakayahan para lang magkapera at may pambili ng pagkain sa araw-araw. Hindi ko rin inaakala na sino-subukan rin nila ang kanilang puso para magmahal ng isang tao. Isang taong marunong mag-intindi sa kanilang sitwasyon bilang isang mga batang kalye. Dahil halos sa kanilang lahat ay hindi nakaramdam ng pagmamahal ng isang tunay na magulang. May mga batang pinapahiran ng alak ang kanilang poblema, mga alak na sana’y pang-matanda lang. Dahil umano’y ang alak ay nakakatulong na pahirin ang kanilang poblema sa buhay, dapat ang mga batang ito ay naglalaro at sinasamantala ang kanilang pagkabata sa buhay. May nakikita ako sa telebisyon na may mga batang pinapatay, pinapalo at sinaksak dahil sa riot na  ang may sangkot ay ang mga bata, katulad na lamang ng batang nakilala ko sa hospital, batang ooperahan dahil sa saksak. Dapat bigyan ng atensyon at operahin ang tiyan niya dahil sugat pero hindi agad binigyan ng atensyon dahil sa walang pera. Buhay talaga!! Dapat bigyan ng pansin ang mga musmos na bata sa ating lipunan dahil ako’y naniniwala sa kasabihan ni Dr. Jose Rizal na “ang mga bata o kabataan ang siyang pag-asa ng bayan” pero sa panahong ito!! walang paki-alam ang mga taong binoto ng mga mamamayang pilipino bilang isang tunay na lider sa ating demokrasyang bansa. Pero, saan na sila? Hindi lang dyan, maraming mga bata ngayon na nagpaplano ng napakasal sa harap ng panginoon, sa loob ng simbahan at lalong-lalo na sa mga taong nanonood at kakilala ng bagong kasal. Nakikita ko sa ating paligid na nagpakasal ang mga bata sa harap ni Rev. Fr. Rey Anthony A. Sapid, SDB para humingi nga basbas sa kanilang pag-iibigan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento